Latest post
Friday, August 14, 2009
“KUYA, KULANG ANG SUKLI MO!.” by jayson
Kung tatanungin ko kayo ngayon kung magkano na ang bayad sa pamasahe ng isang regular na pasahero, ng isang estudyante, ng isang may kapansanan, at ng isang nakatatanda, sigurado akong magkakaiba-iba ang mga isasagot ninyo. Sino ba namang hindi malilito sa pag-akyat at pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado?
Aminin man natin o hindi, lubos nang naaapektuhan ng krisis pang-ekonomiya ang ating minamahal na bansa. Marami nang sugat ang idinadaing ng lipunan natin sa ngayon, at isa na rito ay ang problema sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan na tila “rocketship” sa bilis kung tumaas at para namang “parachute” sa bagal kung bumaba. Ito ay dahil sa papalit-palit na halaga ng bari-bariles ng langis na inaangkat pa sa ibat-ibang bansa sa mundo. Suliranin na matagal nang ipinagsisigawan ng mga nagwewelga sa mga lansangan, ngunit matagal-tagal din na panahon ang hinintay bago nabigyang-pansin ng pamahalaan. Magpasalamat na lang tayo at matapos ang mga jeepney strike at mga serye ng pagpoprotesta ay naibaba rin sa siete pesos ang kasalukuyang pamasahe.
Ipinapakita lang nito na kahit sa makabagong pamumuhay ng tao ay lubos pa rin nitong pinahahalagahan ang bawat sentimo na inilalabas nila mula sa kanilang bulsa. At tayo, bilang mga estudyante, ay dapat na matuto kung paano gagamitin ng tama ang perang ibinigay sa atin ng ating mga magulang. Dapat tayong maging mapagmasid at matalino sa pagtitimbang kung husto o tama ba ang ibinabayad natin sa anumang produkto o serbisyo na bibilhin natin. At kung sa tingin nati’y taliwas ito sa ating iniisip, may kalayaan tayong magtanong at magsalita sa kung anuman ang nakikita nating mali dito. Kaya’t sa susunod na sasakay ka ng jeep, bibili ka sa tindahan, o kahit magbabayad sa pinagkakautangan at naririnig mo ang tawag ng iyong karapatang magtanong at magsalita, manindigan ka at iyong isigaw, “kuya, kulang ang sukli mo!”
Continue reading...

Wednesday, August 12, 2009
Kapaligiran by -rebelde_01-
Ano ba ang nasa likod ng bawat bundok?
Ano ang nakatago sa bawat ulap?
Ano nga an gating mararating?
Kung ating susundan ang agos ng ilog.
Kung ating titingnan ang kalangitan,
Kulay asul at putting ulap,
Kay-amo at napakapayapa,
Hindi aakalaing may problema.
Kung ating tatanawin ang kabundukan,
Mula sa tuktok ng pamantasan,
Kulay berde’t kaakit-akit pagmasdan,
Hindi aakalaing my dinaramdam.
Kung ating mapapansin ang karagatan,
Kulay asul sa umaga at kahel sa hapunan,
Hangga’t di susuriin,
Hindi aakalaing mayroong suliranin.
Halos lahat na ng ating likas na yaman,
Ay sira na at din a mapapakinabangan.
Ultimong sa turismo na dati’y napagkakakitaan,
Ngayo’y pati ating kalusugan ay naaapektuhan.
Tulad ng global warming na di maganda ang epekto,
Tao ang pangunahing dahilan nito.
Kaya’t sana’y maging responsable tayo,
Upang masagip ang kapaligirang naghihingalo.
Subscribe to:
Posts (Atom)