Ano ba ang nasa likod ng bawat bundok?
Ano ang nakatago sa bawat ulap?
Ano nga an gating mararating?
Kung ating susundan ang agos ng ilog.
Kung ating titingnan ang kalangitan,
Kulay asul at putting ulap,
Kay-amo at napakapayapa,
Hindi aakalaing may problema.
Kung ating tatanawin ang kabundukan,
Mula sa tuktok ng pamantasan,
Kulay berde’t kaakit-akit pagmasdan,
Hindi aakalaing my dinaramdam.
Kung ating mapapansin ang karagatan,
Kulay asul sa umaga at kahel sa hapunan,
Hangga’t di susuriin,
Hindi aakalaing mayroong suliranin.
Halos lahat na ng ating likas na yaman,
Ay sira na at din a mapapakinabangan.
Ultimong sa turismo na dati’y napagkakakitaan,
Ngayo’y pati ating kalusugan ay naaapektuhan.
Tulad ng global warming na di maganda ang epekto,
Tao ang pangunahing dahilan nito.
Kaya’t sana’y maging responsable tayo,
Upang masagip ang kapaligirang naghihingalo.